Mid-year bonus ng mga pulis naibigay na
Nai-release na Philippine National Police (PNP) ang P6 billion na halaga para sa mid-year bonus ng nasa 190,000 na mga pulis.
Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang mid-year bonus ay naipasok na ng PNP Finance Service sa payroll accounts ng kanilang mga tauhan sa Land Bank of the Philippines.
Sa kabuuan tinatayang aabot sa 189,263 na aktibong pulis ang nakatanggap ng bonus.
Ang bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary.
Pinayuhan naman ni Albayalde ang mga pulis na gastusin ito sa kanilang pamilya.
Biro pa ni Albayalde, hindi naman maililihim sa mga misis ang bonus lalo na kung ang ATM ay hawak na ng misis ng pulis.
Ang mga pulis naman na mayroong kinakaharap na kasong administratibo ay makatatanggap pa rin ng bonus.
Pero kung may pasya na sa kanilang kaso at sila ay napatawan na ng mabigat na parusa ay hindi na sila makatatanggap ng bonus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.