Preserved na katawan giant crocodile na si “Lolong” pinilahan sa pagbubukas ng National Museum of Natural History

Inquirer Photo | Lyn Rillon

Pinilahan ang preserved na katawan ng giant na buwaya na si “Lolong” sa pagbubukas ng National Museum of Natural History sa Maynila.

Kapwa mga local at dayuhang turista ang nagtungo sa pagbubukas ng Museum araw ng Biyernes para makita si “Lolong” na itinanghal bilang “largest crocodile ever captured” ng Guinness Book of World Records.

Biyernes binuksan ang Museum kasabay ng paggunita sa International Musem Day.

Libre na makakapasok ang sinoman sa lahat ng National Museum mula Martes hanggang Linggo, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang National Planetarium naman ay mas maaga ang pagbubukas na alas 8:30 ng umaga at ang huling adminission para sa viewers ay alas 4:30 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...