Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagiging desperado na ang oposisyon sa paggamit sa pinatalsik na punong mahistrado bilang rallying figure.
Kumbinsido si Roque na mali ang diskarte na ito ng kalaban ng administrasyon dahil sa mababang approval rating nito sa mga pinakahuling survey.
Sa first quarter survey ng social weather stations, nakakuha si Sereno ng neutral pero personal low rating na 7, mas mababa ng 13 points sa december 2017 survey.
Kahapon, hinamon ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na sa puwesto matapos na ituro na responsable sa pagsasampa ng Office of the Solicitor General ng quo warranto petition na ginamit ng mga kapwa nito mahistrado para patalsikin siya sa posisyon.
Una rito, sinabihan ni Roque si Sereno na wala itong dapat na sisihin sa biglaang pagtatapos ng termino nito sa Korte Suprema kundi ang kanyang sarili.