Sereno bilang ‘poster girl’ maling diskarte ng oposisyon ayon sa Malakanyang

By Alvin Barcelona May 18, 2018 - 04:13 PM

Minaliit ng Malakanyang ang paggamit ng opossisyon kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang “poster girl” nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagiging desperado na ang oposisyon sa paggamit sa pinatalsik na punong mahistrado bilang rallying figure.

Kumbinsido si Roque na mali ang diskarte na ito ng kalaban ng administrasyon dahil sa mababang approval rating nito sa mga pinakahuling survey.

Sa first quarter survey ng social weather stations, nakakuha si Sereno ng neutral pero personal low rating na 7, mas mababa ng 13 points sa december 2017 survey.

Kahapon, hinamon ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na sa puwesto matapos na ituro na responsable sa pagsasampa ng Office of the Solicitor General ng quo warranto petition na ginamit ng mga kapwa nito mahistrado para patalsikin siya sa posisyon.

Una rito, sinabihan ni Roque si Sereno na wala itong dapat na sisihin sa biglaang pagtatapos ng termino nito sa Korte Suprema kundi ang kanyang sarili.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Harry Roque, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.