P80M para sa Buhay Carinderia project aprubado ng board – Cesar Montano

By Rohanisa Abbas May 18, 2018 - 04:02 PM

Iginiit ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano na aprubado ng board ang P80 milyong pondo para sa programang Buhay Carinderia.

Ipinaliwanag ni Montano na humihingi ng financial sponsorship ang may-ari ng programa na si Linda Legaspi. Aniya, matagal nang ginagawa ng kagawaran ang sponsorship sa mga programa.

Sinabi rin ni Montano na wala ring naging kautusan ang Commission on Audit na nagbabawal sa sponsorship ng TPB sa Buhay Carinderia.

Sa kabila nito, handa si Montano na tumalima sa pagsuspinde ng bagong kalihim ng Department of Tourism na si Bernadette Romulo-Puyat sa naturang programa para busisiin ng COA.

Dagdag ni Montano, magpapadala rin siya ng liham sa proponent ng Buhay Cainderia para bawiin ang perang inilaan sa proyekto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cesar Montano, Radyo Inquirer, Cesar Montano, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.