1.6 milyong Pinoy rehistrado na para sa overseas absentee voting
Nasa 1.6 milyong Pinoy na sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakapagparehistro para sa overseas absentee voting.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ang nasabing mga botante ay nagparehistro para sa 2019 midterm elections.
Nahigitan na ng nasabing bilang ang record-high na 1.3 million Filipino overseas absentee voters noong 2016 national elections.
Inaasahan naman ng Comelec na madaragdagan pa ang bilang ng mga rehistrado at maaring umabot pa sa 2 milyon dahil sa September 30, 2018 pa ang deadline ng registration.
Kabilang sa mga pwedeng magparehistro ay ang mga Pinoy na nasa ibang bansa mula April 13, 2018 hanggang May 13, 2019 at edad 18 pataas pagsapit ng May 13, 2019.
Maaring magsumite ng aplikasyon sa Philippine foreign service posts sa mga bansa kung saan sila naroroon kabilang ang tatlong Manila Economic and Cultural Offices sa Taiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.