Administrative order na nag-aalis ng deployment bansa Kuwait nilagdaan na ni Bello

FROM DOLE

Pormal nang nilagdaan ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III ang administrative order na nag-aatas ng pag-alis sa deployment ban sa Kuwait.

Dalawang kopya ng AO na inilabas ng DOLE, ang una ay ang AO na nagbabawi sa deployment ban sa mga skilled at semi-skilled workers sa Kuwait at ang ikalawa ay ang pag-alis ng ban para naman sa mga household service workers.

Nakasaad sa ikalawang AO na matapos ang paglagda ng Kuwait at Pilipinas sa kasunduan na magtitiyak ng proteksyon sa mga domestic workers ay marapat nang alisin ang ban.

Inatasan din ni Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maglabas ng alituntunin para sa pagproseso at pagde-deploy ng mga domestic workers.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...