Operasyon ng PNP- CITF, magiging nationwide na – Albayalde

By Mark Makalalad May 18, 2018 - 11:39 AM

Mas lalawak pa ang operasyon ng counter intelligence Task Force ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde kasabay ng pag-upo ni dating Bulacan Provincial Director Senior Supt. Romeo Caramat bilang bagong hepe ng CITF at bagong Chief of Staff ng Intelligence Group, ay epektibong magiging nationwide na ang saklaw ng CITF sa kanilang paghahabol sa mga tiwaling pulis.

Dati aniya ay kalimitang sa National Capital Region lang nakasentro ang mga operasyon ng CITF dahil sa maliit na grupo lang ito at kulang sa resources.

Pero ngayon aniya ay ang buong pwersa ng Intelligence group ay magiging available na sa CITF para maging mas-epektibo ang pagpapatupad ng Internal cleansing program ng PNP sa buong bansa.

Kasabay nito, sinabi ni Albayalde na wala silang nakikitang problema kung mag-operate ang CITF ng walang koordinasyon sa mga Regional at local PNP Offices, dahil sadyang dapat maging discreet ang CITF sa paghuli sa mga tiwaling pulis na nasa iba’t-ibang PNP Offices.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: albayalde, CITF, Oscar Albayalde, PNP, albayalde, CITF, Oscar Albayalde, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.