Trump, Kim Jong-un, Putin at iba pang world leaders tampok sa infomercial ng isang Telecom kaugnay sa Ramadan

By Rohanisa Abbas May 18, 2018 - 11:24 AM

FB Photo | ZAIN

Tampok sa isang Ramadan commercial ng isang telecommunications company ang ilan sa mga pinakamakapangyarihang world leaders.

Sumentro ito sa mga pagsubok na hinaharap ng mga Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo at puno ng subliminal messages.

Sa naturang advertisement, makikita ang isang batang lalaki na binabati ang isang look-alike ni United President Donald Trump ng “Ramadan Kareem.” Inimbitahan ng bata si Trump na kumain sa kanyang bahay, kung mahahanap niya ito sa mga debris.

Sunod namang makikita ang look-alike ni Russian President Vladimir Putin na nasa hapag ng pamilya ng bata. Pinagmamasdan ni Putin ang mga kaanak nito.

Inabangan naman ng German chancellor na si Angela Merkel ang naghihirap na refugees na makarating sa baybayin.

Binsita naman ng North Korean leader na si Kim Jong-Un ang kwarto ng bata. Unang ipinakita ang malinis at maayos na kwarto ng bata hanggang sa mawasak ito.

Tampok din sa advertisement ang paglikas ng refugees na maihahalintulad sa sitwasyon ng Rohingya Muslims na biktima ng karahasan sa Myanmar.

Sa pagtatapos nito, pinalaya ng batang lalaki ang isang babaeng kahawig ni Ahed Al Tamimi, isang 17 taong gulang na Palestinian activist.

Naglakad sila tungo sa Dome of Rock sa Jerusalem habang umaawit na “sa Jerusalem ang kanilang hapunan, ang kabisera ng Palestine.”

Ang naturang Ramadan advertisement ay ginawa ng Kuwait telecom na Zain. Sa ngayon, umabot na sa daan-daang libo ang views nito sa Facebook.

 

 

TAGS: infomercial, Radyo Inquirer, ramadan, World Leaders, Zain, infomercial, Radyo Inquirer, ramadan, World Leaders, Zain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.