Pagbasa ng sakdal sa magkapatid na Parojinog, ipinagpaliban ng korte

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 18, 2018 - 11:13 AM

Photo from PIA Misamis Occidental

Hindi natuloy ang nakatakda sanang pagbasa ng sakdal sa magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr., mga anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Sa halip na ngayong araw, itinakda na lang ng Quezon City Regional Trial Court sa June 15 ang arraignment.

Naghain kasi ng kanilang mosyon ang magkapatid para sap ag-consolidate ng mga kaso na nasa magkaibang branch sa QC RTC.

Sa kautusan na nilagdaan ni Presiding Judge Nadine Jessica Corazon Fama ng Branch 79 inaprubahan nito ang mosyon ng mapagsama-sama na lang ang kaso sa Branch 105.

Kasabay nito, ibinasura naman ni Fama ang apela ni Projinog Jr., na siya ay mailipat mula sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa patungo sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame kung saan nakakulong ang kaniyang kapatid na si Nova Princess.

Si Reynaldo ay nahaharap sa kasong possession of dangerous drugs, illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives, habang si Nova ay nahaharap naman sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at possession of dangerous drugs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Nova Princess Parojinog, QC RTC, Radyo Inquirer, Reynaldo Parojinog Jr, Nova Princess Parojinog, QC RTC, Radyo Inquirer, Reynaldo Parojinog Jr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.