Tatlong baril natagpuan sa tambak ng basura sa Pasig City

Nagulat ang isang basurero makaraang makakita ng tatlong baril sa tambak ng basura sa Pasig City.

Ayon sa Pasig City Police, agad dumulog sa kanila si Chito Arreo, 28 anyos makaraang makita ang itim na bag sa basurahan sa kahabaan ng Urbano Velasco Avenue sa Barangay Pinagbuhatan.

Nang buksan niya kasi ang bag, nagulat siyang tatlong baril pala ang laman nito.

Agad dinala sa Eastern Police District ang mga baril para sa imbestigasyon.

Isasailalim din sa ballistic examination ang mga baril sa Scene of the Crime Operatives.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...