Chito Miranda, tinanggihan ang alok na P2-M ng isang presidential candidate

 

Inquirer file photo

Tinanggihan ni rock singer Chito Miranda ang alok sa kaniyang mag-promote ng isang presidential candidate sa halagang P2 milyon.

“I was offered P2M to tweet for a presidential candidate. Di ko tinanggap kasi gusto ko suportahan si Duterte o si Miriam kahit walang bayad,” sabi ni Miranda sa kaniyang post sa Twitter.

Umani na ng higit sa 4,700 na retweets at mahigit 7,300 favorites ang tweet ni Miranda dakong alas dose ng hatinggabi kanina.

Hindi rin naman sinabi ni Miranda kung sino ang presidential candidate na ie-endorso niya sakaling pumayag siya dahil aniya, hindi rin sinabi ito sa kaniya ng agency at tiningnan lang muna kung papayag ba siya.

Matatandaang nagpahiwatig na ng pagtakbo sa pagka-presidente si Sen. Miriam Defensor Santiago kamakailan lamang.

Samantalang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte naman ay inaasahan pa ring magbago ang isip sa kabila ng ilang beses nitong pagdedeklara ng hindi niya pagsabak sa presidential elections.

Read more...