Pagsasapubliko ng mga baranggay officials na nasa narco-list, naging epektibo sa nakalipas na eleksyon – PNP
Naging epektibo ang pagsasapubliko ng mga baranggay officials na nasa narco-list.
Ito ang paniniwala ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa resulta ng katatapos lang na Baranggay at Sangguniang Kabataan elections nitong Lunes.
Ayon kay Albayalde, bagaman may iilan pa rin na nakalusot na opisyal ay masasabi nya pa rin na sa pangkalahatan ay naging tagumpay ito.
Kung hindi raw kasi nalaman ng mga botante ang kanilang profile ay marahil 100 percent ng mga official na nasa narco list ang nanalo.
Nabatid na sa Metro Manila pa lang, 6 sa 12 opisyal na idinadawit sa iligal na droga ang nanalo.
Paliwanag ng hepe ng PNP, dahil nga local elections ang idinaos, masyado itong personal dahil magakapamilya, magkakamag anak at magkakaibigan ang nagdadala ng kandidato.
Gayunman, tiwala naman sya na kahit papaano ay mas naging matalino ang mga botante ngayon dahil mas kumilatis sila ng tao na nararapat sa posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.