PNP, malapit nang matapos ang pagsusumite ng case folders ng mga napatay sa drug war
Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na makakatugugon sila sa utos ng Korte Suprema na isumite ang case folders ng mga napatay sa kanilang anti-drug campaign.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, patapos na sila sa paghahain ng mga kinakailangang dokumento ng SC sa 4,000 cases ng mga drug personalities.
Sa katunayan nga aniya ay bago pa lumabas ang kautusan ay compliant na sila sa SC.
Sadyang kinapos lang talaga sila sa oras dahil masyadong maikli ang 15 araw na unang hininhing deadline ng SC para makapaghanda ng karagdagang operational documents ang PNP.
Matatandaan na kamkailan lang ay humiling ang Office of the Solicitor General na kumakatawan sa PNP ng karagdagang 60 araw sa SC para makapag-validate at makakolekta ng case folders.
Bukod sa case folders, kasama rin sa hiling ng SC ang statistics ng internal cleansing ng PNP; drug watchlist, reports kaugnay sa mga sinasabing drug war victims na sina Aileen Almora, Rowena Aparri, at Jefferson Soriano; at buy-bust incidents sa San Andres Bukid, Manila mula July 1, 2016 hanggang Nov. 30, 2017; listahan ng warrants at warrantless arrests sa high-value target police operations; at listahan ng case under investigation sa ilalim ng PNP Internal Affairs Service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.