Daan-daang designer bags, alahas at mga pera nakuha sa condominiums ni dating Malaysian PM Najib Razak

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 18, 2018 - 08:32 AM

Bernama News Agency

Daan-daang mga kahon na naglalaman ng mga alahas, designer bags at mga pera ang nakuha ng Royal Malaysia Police sa pagsalakay sa dalawang condominium units na pag-aari ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak, Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ng national news agency ng Malaysia na Bernama, sinalakay ang dalawang luxury condominiums sa Jalan Raja Chulan kaugnay pa rin ng imbestigasyon sa itinatag na 1Malaysia Development Berhad ni Najib.

Nakuha mula sa nasabing lugar ang 72 bags na naglalaman ng mga alahas, mga pera na iba’t iba ang currency at 284 na kahon na naglalaman naman ng mga Birkin at Hermes bags.

Nagsasagawa pa ngayon ng imbentaryo ang mga otoridad para matukoy kung magkano ang kabuuang halaga ng mga nasabat na gamit.

Ang asawa ni Najib na si Datin Seri Rosmah Mansor ay kilalang mahilig sa mga luxury bags.

Maliban sa dalawang condominium unit, apat na properties pa ni Najib ang hinalughog din ng mga otoridad kaugnay sa imbestigasyon.

Armado ng search warrant ang mga pulis tuwing sila ay magtutungo sa mga lugar nap ag-aari ng dating prime minister.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 1Malaysia Development Berhad, Birkin, Hermes, Najib Razak, 1Malaysia Development Berhad, Birkin, Hermes, Najib Razak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.