ATM machine, natangayan ng 2.4 na milyon ng mga magnanakaw

By Jay Dones October 15, 2015 - 04:31 AM

 

Inquirer file photo

Kakaibang modus operandi ang ginamit ng mga armadong kalalakihan upang tangayan ng nasa 2.4. milyong piso ang isang Automated Teller Machine o ATM sa New Manila, Quezon City Martes ng gabi.

Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, hinintay ng mga suspek na buksan ng mga technician ang nasirang ATM ng BPI bago tinutukan ng baril ang mga ito.

Sa report ng pulisya, kasalukuyang kinukumpuni ng dalawang technician ang ATM machine ng bangko sa Aurora Blvd, pagitan ng Gilmore at Doña Juana Rodriguez St. nang biglang pumasok ang apat na suspek na may suot na helmet at surgical mask.

Matapos igapos ang mga technician, kinuha ng mga suspek ang mga kahon o ‘cassette’ na naglalaman ng kabuuang 2.4 milyong pisong cash na gamit sa pagwiwithdraw ng mga kliyente.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

Isa sa mga sinisilip na anggulo ng mga otoridad ay ang posibilidad na sinadyang sirain ng mga suspek ang ATM at hinintay na buksan ito ng mga technician bago ang panghoholdap.

Hindi rin isinasaisantabi ng mga ito ang posibilidad na ‘inside job’ sa naturang pagnanakaw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.