Ipinagbubuntis ni Heart Evangelista dapat kambal

Heart Evangelista Instagram

Kambal dapat ang ipinagbubuntis ni Heart Evangelista pero hindi natuloy ang twin pregnancy.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Evangelista ang unang ultrasound ng kanyang pagdadalantao.

Ayon sa aktres, nalaman nila ang tungkol sa twin pregnancy na hindi niya inakala kahit pa nga may anak na kambal ang kanyang kapatid na babae.

Sa ultrasound photo ay makikita ang isang embryo na malusog at maganda ang development

Pero malungkot na sinabi ni Evangelista na mas maliit at kulang sa development ang isa pang embryo kaya pumanaw ang isa sa mga kambal.

Sinabi ng aktres na ang pagiging ina ay hindi laging kasiyahan dahil minsan ay may kalungkutan pero ito anya ang magpapalakas sa kanya.

Pinasalamatan naman ni Evangelista ang asawang si Senador Chiz Escudero na katuwang niya sa kanyang pagbubuntis.

Read more...