Pangulong Duterte dumalo sa graduation ng apo na si Isabelle

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa grautation rites ng kanyang apo na si Isabelle Lovelie Duterte sa Philippine International Convention Center (PICC) Huwebes ng umaga.

Kabilang si Isabelle sa unang batch ng senior high school ng San Beda College of Alabang.
Nagtapos si Isabelle sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand.

Kasama ng pangulo sina Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go at PICC General Manager Atty. Renato Padilla.

Dumalo rin sa graduation ang mga magulang ni Isabelle na sina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Lovelie Sangkola Sumera.

Matatandaang nagkaroon ng palitan ng maanghang na salita ang mag-amang Paolo at Isabelle nang mabatikos dahil sa photoshoot na ginawa sa Malacañan gamit ang Presidential Seal.

Read more...