PNP hindi nagbayad ng ransom para mapalaya ang 2 dinukot na pulis

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi sila nagbagad ng P5 milyong ransom sa Abu Sayyaf Group para palayain ang 2 pulis na kanilang dinukot.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang pinaigting na operasyon ng pulis at militar ang tunay na dahilan kung bakit pinalaya ng mga bandido sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Pinaliwanag naman ni Albayalde ang naging kalituhan sa kumpirmasyon sa pagkakalaya ng 2 pulis.

Ani Albayalde, nagkaroon lang ng delay sa koordinasyon nila sa AFP partikular na sa Joint Task Force Sulu kaya hindi agad ito nakarating sa militar.

Sa ngayon aniya ay nasa maayos nang kalagayan ang bagong laya na mga pulis at nagpapahinga na.

Matatandaan na nitong April 29, dinukot ng mga bandido sina Gumahad at Alvarez kasama na ang 2 sibilyan na sina Faizal Ahidji at Jackosalem Blasa sa Barangay Liang, Patikul, Sulu.

Read more...