Mga opisyal ng DOJ na isinasangkot sa Kurapsyon nakasalang na sa imbestigasyon

By Alvin Barcelona May 17, 2018 - 06:41 PM

Inquirer file photo

Magsasagawa si Justice Sec. Menardo Guevarra ng sarili nitong imbestigasyon sa mga prosecutor ng DOJ na pina-sisisyasat ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkaka-sangkot sa katiwalian.

Sa isang mensahe sa media, sinabi ni Guevarra na pa-iimbestigahan niya ang apat na miyembro ng National Prosecution Service sa Internal Affairs Unit ng DOJ.

Una nang kinilala ng pangulo ang mga nasabing mga prosecutor na sina Samina Sampaco Macabando-Usman, Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clemente Villanueva at Assistant Prosecutor Florenzo dela Cruz.

Ang gagawin niyang imbestigasyon ay bukod pa pagsisiyasat sa kasong posibleng isampa sa Ombudsman.

Paliwanag ni Guevarra, ang aspeto ng administratibo ang partikular na tututukan ng imbestigasyon ng DOJ internal affairs ang kasong kriminal naman ay sa tanggapan na ng Ombudsman.

Nauna dito ay nasangkot sa smuggling ang nasabing mga opisyal ng DOJ nagtulak sa pangulo para imbestigahan ang mga ito.

TAGS: DOJ, guevarra, National Prosecution Service, prosecutors, DOJ, guevarra, National Prosecution Service, prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.