Tiniyak ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na walang maanumalyang kontrata habang siya ang kalihim ng ahensya.
Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ng bagong kalihim na pinatitingnan na niya sa Commission on Audit (COA) ang lahat ng mga tourism project para malaman kung ang lahat ng ito ay ligal at sumusunod sa mga tamang proseso.
Hndi aniya siya papayag na ituloy ang mga proyekto na hindi dumaan sa public bidding.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Puyat na sinuspinde na niya ang Buhay Carinderia” project ng tourism Promotions Board (TPB) na pinamumunuan ni Cesar Montano sa harap ng ulat na hindi ito sumailalim sa bidding process.
Ipinauubaya niya sa COA ang pagsasauli ng P80 Million pisong pondo para sa nasabing proyekto.
Samantala, hihigpitan din aniya niya ang mga foreign trips sa kagawaran.
Aminado si Puyat na marami sa mga kawani ng DOT ang hindi siya magugustuhan dahil siya ay istriko sa trabaho.
Una rito, pinagsusumite niya ng courtesy resignation ang lahat ng mga opisyal ng kagawaran.