BOC may bagong sistema sa monitoring ng mga pumapasok na kargamento sa bansa

By Alvin Barcelona May 17, 2018 - 04:30 PM

Pinagsusumite na ng Bureau of Customs ang mga airline at shipping lines ng advance cargo manifest.

Layunin ng hakbang na mapaganda ang takbo ng kalakalan at maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga iligal at mapanganib na kargamento.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) 6-2018, ni Commissioner Isidro Lapeña na inisyu at naging epektibo noong May 7, inoobliga nito ang pagsusumite sa pamamagitan ng PDF file ng advance manifest, bill of commercial invoice, packing list, storage plan at iba pa sa Advanced Manifest System ng BOC.

Ang Cargo Manifest o Inward Foreign Manifest (IFM) ang naglalaman ng mga kargamento sa loob ng mga eroplano at barko kabilang ang impormasyon tulad ng  consignors at consignees.

Ayon kay Lapeña, ang bagong guidelines ay magbibigay daan para ma-proseso at malaman ang custom duties, taxes at iba pang bayarin bago pa dumating ang shipment.

TAGS: advance manifest, BOC, ifm, lapeña, advance manifest, BOC, ifm, lapeña

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.