Sereno kay Duterte: Mag-resign ka na

By Isa Avedaño-Umali May 17, 2018 - 04:20 PM

Tahasang hinamon ni dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na siya sa pwesto.

Sa kanyang pagdalo sa isang forum sa Integrated Bar of the Philippines o IBP, iginiit ni Sereno na si Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa posisyon.

Paalala ni Sereno, sa bibig din mismo ni Duterte nanggaling ang utos na tanggalin siya bilang pinuno ng Kataas-taasang Hukuman.

Idinagdag pa ng pinatalsik na Chief Justice na sinabi ni Duterte na magreresign siya kapag napatunayan na siya ang may gawa o utos ng pagpapa-alis kay Sereno sa Supreme Court.

Kaya dahil dito, walang kaabog-abog na hinamon ni Sereno si Duterte na magresign na.

Binanggit pa ni Sereno na walang ibang ginawa ang mga kakampi ni Duterte na sirain araw-araw ang kanyang reputasyon sa media, sabay banat kay Atty. Larry Gadon at sa House Justice Committee na wala aniyang anumang pruweba laban sa kanya.

TAGS: duterte, impeachment, quo warranto, resign, sreno, duterte, impeachment, quo warranto, resign, sreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.