COA wala pang ulat sa ginastos ng PCOO sa 2017 Asean Summit

Nilinaw ng Commission on Audit na wala pa inilalabas na audit report hinggil sa paggamit ng pondo ng Presidential Communications Operations Office sa P647.11 Million na budget ASEAN Summit noong 2017.

Ayon kay PCOO Undersecretary Noel Puyat, wala pang inilalabas na report ang COA sa budget na ginastos sa Asean Summit.

Hindi pa aniya tapos ang COA sa paghimay sa mga dokumento kaya wala pa silang inilalabas na audit report hingil dito.

Nauna nang sinabi ni Senator Antonio Trillanes na paiimbestigahan niya sa Senado ang paggastos ng PCOO sa budget.

Masyado umanong malaki ang nasabing halaga gayung sinasabi ng administrasyon na magtipid sa pondo ng gobyerno.

Read more...