Panukalang gawing supplemental budget ang mahigit P1.16B na isinauli ng Sanofi mamadaliin ng kamara

FILE

Pipilitin ng kamara na maaprubahan bago ang kanilang adjourn sine die sa Hunyo ang panukala upang gawing supplemental budget ang P1.16B na isinauli ng Sanofi Pasteur para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccines.

Ayon kay House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles na maari niyang hilingin sa pangulo na sertipikahang urgent ang panukala.

Paliwanag ng mambabatas, ito ay upang maiayos kaagad ng Department of Health (DOH) ang pinababago niyang latag ng budget proposal ng kagawaran.

Nauna rito, sa pagdinig sa kamara, pinuna ng kongresista ang mahigit P200M na alokasyon na nais ilaan ng DOH sa mga medical kits na ipapamahagi sa mga Dengvaxia vacinees.

Mas nais ng mambabatas na ilaan ang nasabing halaga sa medical assistance program kung saan sa sa proposal ng DOH ay nasa P84M lamang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...