Susunod na ombudsman nakasasalalay sa shortlist na isusumite ng JBC
Nasa shortlist ng Judicial and Bar Council ang magiging kapalaran ng susunod na ombudsman kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na magreretiro na sa Hulyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang diskriminasyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung babae o lalaki ang susunod na ombudsman.
Paglilinaw ito ni Roque sa naging pahayag ng pangulo noong Miyerkules ng gabi na hindi isang babae at hindi rin isang pulitiko ang papalit kay Morales.
Ayon kay Roque, hihintayin ng palasyo ang shortlist na isusumite ng JBC.
Kabilang sa mga nag-apply sa JBC bilang ombudsman sina Edna Batacan, Rex Rico, Rey Ifurung, Felito Ramirez, Rainier Madrid, Judge Carlos Espero II, Special Prosecutor Edilberto Sandoval, Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires at Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz.
Kasabay nito, lilinawin umano ni Sec. Roque kay Pangulong Duterte kung ano ang kanyang pakahulugan kung bakit ayaw nito ng isang babae bilang Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.