Kapapanalo lang na kagawad ng barangay sa Mulanay, Quezon, patay sa pananambang

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 11:50 AM

PNP Calabarzon

Patay ang isang kapapanalo lamang na barangay kagawad sa bayan ng Mulanay sa lalawigan ng Quezon makaraang tambangan ng hidni nakilalang suspek.

Naganap ang insidente alas 7:45 ng umaga ng Huwebes, May 17 sa Barangay Sta. Rosa sa nasabing bayan.

Agad nasawi ang biktimang si Felix Moldon na nanalong kagawad sa Barangay Sto. Niño.

Sakay umano ng motorsiklo ang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang PNP at AFP para sa ikadarakip ng suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, PNP, Radyo Inquirer, AFP, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.