Naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga nanalo sa idinaos na 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, 100 porsyento na ang proklamasyon ng mga nagwaging kandidato tatlong araw matapos ang pagdaraos ng halalan.
Nangangahulugan ani Jimenez na naiproklama na ang lahat ng nagwaging kapitan at kagawad ng barangay at ang mga nanalong SK chairman at SK kagawad sa 42,044 na mga barangay sa buong bansa.
Una nang sinabi ng Comelec na walang naideklarang failure of elections sa nasabing halalan.
May ilan lang umanong mga barangay na na-delay ang pagsisimula ng eleksyon pero natapos din agad kalaunan at naiproklama din ang mga nagwaging kandidato.