Kasunduan ng Kuwait at Pilipinas pakikinabangan din ng ibang dayuhang manggagawa sa Kuwait

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 09:47 AM

Hindi lang ang mga household service workers mula Pilipinas ang makikinabang sa kontratang nilagdaan ng Kuwait at Pilipinas na naglalaman ng proteksyon sa mga dayuhang manggagawa doon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang model contract ang nilagdaang kasunduan at ang nilalaman nito ay pakikinabangan din ng mga iba pang dayuhang manggagagawa sa Kuwait.

Sinabi ni Roque na ang memorandum of agreement na nilagdaan ng dalawang bansa at ay proteksyon para sa lahat ng domestic workers.

Ani Roque ang ginawa ng Pilipinas ay bilang pagtalima sa International Labor Organization na humihikayat sa lahat ng mga bansa na kukuha ng mga domestic worker na magkaroon na lamang ng “uniform” o pare-parehong kontrata na magtitiyak sa kapakanan ng mga manggagawa.

Dagdag pa ni Roque, aminado maging ang mga matataas na opisyal sa Kuwait na malaki talaga ang tulong sa kanila ng mga manggagawang Pinoy lalo na ang mga household service worker.

Isang prinsipe pa aniya doon ang kaniyang nakausap at sinabing buo ang tiwala ng mga Kuwaiti sa mga Pinoy dahil ipinagkakatiwala nila sa mga household service workers ang kapakanan ng kanilang mga anak maging ang kanilang mga tahanan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: domestic workers, Harry Roque, household service workers, kuwait, Radyo Inquirer, domestic workers, Harry Roque, household service workers, kuwait, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.