AFP, walang namomonitor na banta sa panahon ng Ramadan

By Mark Makalalad May 17, 2018 - 09:37 AM

Walang namonitor na imminent threat o banta ang Armed Forces of the Philippines sa panahon ng Ramadan.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo kasunod ng mga naganap na serye ng pagsabog sa Indonesia nitong linggong ito.

Ani Arevalo, hindi nila inaalis ang posibilidad na may mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng gulo para guluhin ang taimtim na pagobserba ng Ramadan

Gayunman, kanyang sinabi na tinitiyak ng AFP sa publiko na hindi sila tumitigil sa pagsasagawa ng focused military operations para matiyak ang kaligtasan ng ng lahat ng Pilipino.

Unang pinasabog ng mga suicide bombers sa Indonesia ang 3 simbahan sa Surabaya noong linggo ng umaga, at isang apartment building sa Sidoarjo kinagabihan, na sinundan ng pagpapasabog sa Surabaya Police headquarters nitong Lunes ng umaga.

Una nang ang AFP sa mga kapatid na Muslim na makiisa sa AFP sa pagtiyak na mananatiling mapayapa ang paggunita ng Ramadan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Radyo Inquirer, ramadan, AFP, Radyo Inquirer, ramadan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.