30 empleyado sa Dumaguete City hall sinibak matapos magpositibo sa drug test

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 09:08 AM

Sinibak sa pwesto ang nasa 30 empleyado ng local government ng Dumaguete City makaraang magpositibo sa isinagawang drug test.

Ayon kay Deputy City Administrator at Human Resource Manager Dinno Depositario karamihan sa mga nasibak ay pawang mga casual na empleyado at nasa ilalim ng job order (JO).

Mula nang matapos ang kontrata ng nasabing mga empleyado noong Marso ay hindi na umano sila nagpakitang muli sa trabaho.

Ani Depositario, mayroon ding ilang regular na empleyado ang nagpositibo sa drug test. Sasailalim sila sa imbestigasyon bilang pagrespeto sa kanilang security of tenure at saka papatawan ng parusa.

Noong Nobyembre isinagawa ang serye ng random drug tests sa 1,785 na empleyado ng City Hall.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug tests, Dumaguete City, employees, Radyo Inquirer, drug tests, Dumaguete City, employees, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.