Mahigit 1,000 munisipalidad sa buong bansa makikinabang sa P11.71 M programa ng DILG

By Jong Manlapaz May 17, 2018 - 08:23 AM

Kabuuang 1,373 na munisipalidad sa buong bansa ang tiyak nang makikinabang sa P11.71 bilyon na halaga ng mga proyekto sa ilalim ng Assistance to Municipalities Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Acting Secretary Eduardo Año, kabilang sa mga programang ipapatupad ngayong taon sa ilalim ng AM Program ay ang konstruksyon ng mga tulay sa kanayunan.

Kasama din dito ang mga programa kaugnay sa disaster risk reduction-related, rain water catchment facilities, sanitation at health facilities, at municipal drug rehabilitation facility.

Aniya, layon ng programa na pantay na tulungan ang lahat ng munisipalidad sa paghahatid ng mga basic services sa pamamagitan ng layouts ng tulong pinansiyal para sa pagpapatupad ng kanilang mga priority programs at proyekto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AM Program, DILG, Munisipalities, AM Program, DILG, Munisipalities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.