Mga lumabag sa Comelec gun ban at pagbabawal magbitbit ng patalim sa Maynila, umabot sa 87

By Ricky Brozas May 17, 2018 - 07:59 AM

Bagamat tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, umiiral pa rin ang gun ban pati na ang pagdadala ng patalim.

Ayon sa Commission on Elections, tatagal ang gun ban hanggang May 21, 2018.

Sa panahon ng election gun ban, suspendido ang permit to carry firearms outside of residence, maliban na lamang kung otorisado ng Comelec.

Kaugnay nito, iniulat ng Manila Police District (MPD) na aabot na sa 87 ang kanilang naaresto nang dahil sa paglabag sa gun ban at pagbabawal sa pagdadala ng patalim sa panahon ng eleksyon.

Mula sa nasabing bilang 55 ay nakumpiskahan ng baril, habang 38 naman ang nahulihan ng patalim o deadly weapon.

Ang mga naaresto ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code o Batas Pambansa Bilang 881.

Ang paglabag sa election gun ban ay itinuturing na election offense at may katapat na parusang pagkabilanggo ng isa hanggang anim na taon at hindi na rin papayagang humawak ng posisyon sa gobyerno at matatanggalan pa ng karapatan na makaboto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: comelec, elections, Gun ban, manila, comelec, elections, Gun ban, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.