Bahay ni dating Malaysian PM Najib Razak, sinalakay ng mga otoridad

Pinasok ng mga pulis ang bahay ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak ilang minuto matapos itong makabalik galing sa mosque kung saan ito nagdasal.

Armado ng search warrant ang mga pulis at naghalughog ng ebidensya at mga dokumento sa bahay ni Najib kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa dating prime minister sa pagkakasangkot sa katiwalian.

May namataan ding mga pulis sa isang luxury condominium sa Kuala Lumpur kung saan mayroon umanong apartment si Najib.

Kabilang sa akusasyon laban kay Najib ang kontrobersiya sa multi-billion dollar scandal sa 1 Malaysia Development Berhad na itinayo ng dating Prime Minister.

Una nang sinabi ng bagong halal na si Malaysian Primie Minister Mahatir Mohamad na may sapat siyang ebidensya laban kay Najib.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...