DENR, ipinahinto na ang lahat ng konstruksyon sa Boracay
Ipinag-utos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapahinto sa lahat ng uri ng konstruksyon sa isla ng Boracay.
Ito ay matapos ang mga ulat na isang kagubatan sa isang bundok ang kasalukuyang pinapatag at pinagpuputol ang mga puno na nakatanggap ng kritisismo sa publiko.
Effective immediately ang utos ni Environment Secretary Roy Cimatu sa tulong ng Boracay interagency task force.
Samantala, sinabi naman ng kalihim na ang kumalat na ulat tungkol sa nasabing pagpapatag ay isinagawa na bago pa ang pagsasara sa isla.
Kinumpirma mismo anya ito ng DENR regional field office.
Umapela ang kalihim sa publiko na bago iulat o i-post ang mga kahalintulad na pangyayari sa social media ay siguruhing naberipika ito upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.