Heat index sa Metro Manila kahapon, umabot sa 48.6 degrees Celsius

Walang binabantayang sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) ang Pagasa sa kasalukuyan.

Sa ngayon, nakakaapekto sa hilagang Luzon ang Ridge of High Pressure Area (HPA) habang easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Dahil dito, maalinsangan at mainit na panahon ang kabuuang lagay ng panahon na inaasahan sa buong kapuluan.

Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City sa 38 degrees Celsius habang pinakamataas naman ang heat index na naitala sa Science Garden sa Quezon City sa 48.6 degrees Celsius.

Inaasahang aabot ang pinakamataas na heat index ngayong araw sa 42 degrees Celsius sa Laoag City at Tuguegarao City habang aabot naman sa 40 degrees Celsius sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...