Senado pinarereview sa SC ang pagpapatalsik kay Sereno
Labing-tatlo o mayorya ng dalawamput-dalawang senador ang pumirma sa resolusyon na naghihimok sa Korte Suprema na i-review ang desisyon sa pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, pitong senador sa majority bloc ang lumagda sa resolusyon na may titulong “Resolution Expressing the Sense of the Senate to Uphold the Constitution on the Matter of Removing a Chief Justice from Office.”
Ito ay sina Senate Pres. Koko Pimentel, Senate Pro Tempore Ralph Recto, Senators Grace Poe, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero at Joel Villanueva.
Pumirma rin sa resolusyon ang anim na minorya na si Minority Leader Franklin Drilon At Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at Leila De Lima.
Nakasaad sa draft resolution na ang Kamara, sa ilalim ng Konstitusyon, ang may exclusive power na magsimula ng impeachment case habang ang Senado ang may sole power na litisin at magdesisyon sa impeachment case.
Ang desisyon umano ng Supreme Court sa quo warranto petition laban kay Sereno ay isang mapanganib na precedent na sinuway ang eksklusibong kapangyarihan ng lehislatura na magsimula, maglitis at magdesisyon sa lahat ng kaso ng impeachment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.