Pangulong Duterte itinanggi na may kinalaman sa pagpapatalsik kay Sereno
Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice base sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon sa pangulo, magbibitiw siya sa pwesto kapag napatunayan na nasa likod siya ng pagtanggal kay Sereno.
Handa umano ang pangulo na magbitiw kung may mambabatas o mahistrado na magsabi na kinausap siya kaugnay ng quo warranto petition.
Paliwanag ni Duterte, trabaho ni Calida na maghanap ng kamalian at hindi niya ito pinakikialaman. Wala rin umanong inutusan ang pangulo na gabinete na trabahuhin ang isang bagay.
Giit ng pangulo, hindi niya ugali na maghabol ng tao kaya naghamon ito na patunayan kung may nilapitan siya para maalis si Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.