Papalit na Ombudsman hindi babae at pulitiko – Pangulong Duterte
Kukunsultahin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga-Ombudsman bago magtalaga ng ipapalit kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na magre-retiro sa buwan ng Hulyo.
Pero ayon sa Pangulo, hindi kasama sa kanyang kukunsultahin si Morales na una na niyang nakaaway dahil sa pag-iimbestiga ng Ombudsman sa umano’y kanyang tagong yaman at iba pa.
Ayon sa Pangulo, hindi babae at lalong hindi pulitiko ang kanyang ipapalit kay Morales.
Una nang napaulat na nominado sa Judicial and Bar Council sina Associate Justice Teresita de Castro at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Dapat aniya, aprubado at bilib ang taong bayan sa susunod na Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.