Pangulong Duterte posibleng bumisita sa Kuwait matapos ang Ramadan – Bello

By Rhommel Balasbas May 17, 2018 - 04:59 AM

Posibleng bumisita sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang paggunita sa Ramadan ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa isang panayam, sinabi ni Bello na ang pagtungo ni Duterte sa nasabing bansa ay kaugnay ng bagong developments sa kaso ng napatay na Pinay worker na si Joanna Demafelis.

Ngayong araw na nagsimula ang isang buwan na pag-aayuno ng mga Muslim na inaasahang magtatapos sa kalagitnaan ng Hunyo.

Isa umano sa mga developments ay pagtanggi ng pamahalaan ng Lebanon at Syria sa hiling ng Kuwait na magsagawa pa ng pagdinig para sa mag-asawang employers ni Demafelis na suspek din sa pagkakasawi nito.

Nahaharap ang mag-asawa sa parusang kamatayan makaraang matagpuan ang mga labi ni Demafelis sa loob ng freezer sa kanilang apartment sa Kuwait.

Ang kaso ni Demafelis ang nagbunsod upang magpatupad ng deployment ban ang Pilipinas sa Kuwait na binawi lamang ng pangulo kahapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.