Sa 3rd day ng filing ng COC, 57 na ang nais maging pangulo
Sa pagtatapos ng ikatlong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa pagka-presidente, pagka-bise presidente, pagka-senador at partylist group, muling bumuhos sa Commission on Elections main office sa Maynila ang mga kandidato na nagnanais tumakbo sa nalalapit na halalan sa May 2016.
Sa pinakahuling tala ng COMELEC ngayong araw, ika-14 ng Oktubre, mula sa tatlumpu’t pito na bilang kahapon, umabot na sa limampu’t pito ang kabuuang bilang ng mga naghain ng COC sa pagka-pangulo.
Kabilang sa dalawampung kandidato na dumagdag sa mga naghain ng kanilang COC sa pagka-pangulo ngayong araw ay sina:
- Gauvencio Serrano
- Juanita Mendoza Trocenio
- Romeo Rodriguez
- Emelito Bayani
- Romualdo Rivera
- Valeriano Nogon III
- Jerry Diaz
- Ibrahim Usman
- Antonio Obina
- Victor Lawag
- Jean Pierre Pardo
- Marianito Mendoza
- Faustino Pascual
- Nolbert Gil
- Joseph Urquia
- Wendell Lope
- Rodrigo Lapitan
- Maria Aurora Marcos
- Ramon Asuelo
- Wilma Maestre
Mula naman sa pitong bilang kahapon, nadagdagan ng apat ang naghain ng COC sa pagka-bise presidente na nagreresulta na sa labingisa. Ang apat ay sina:
- Jesus “Jess” Paredes
- Neil Aldea
- Antonio Trillanes IV
- Orlando Suerte
Samantala, ang bilang naman ng mga naghain na ng COC sa pagka-senador ay umabot na sa limampu’t tatlo, mula sa dalawampu’t lima na bilang kahapon. Ang mga sumusunod ay ang dalawampu’t walong kandidato na dumagdag sa mga naghain na ng kanilang COC sa pagka-senador:
- Germingildo Asoy
- Mario Taculod
- Myrna Catapang
- Elias Mimbantas
- Jeanette Dapiton
- Marilyn Kragh
- Romeo Maganto
- Juan Miguel Zubiri
- Venesa Lacsamana (Alma Moreno)
- Jonathan Calonia, Sr.
- Ana Theresa “Risa” Hontiveros
- Princess Jacel Kiram
- Jeanie Wolf
- Kenneth Sombilon
- Mark Lapid
- Francis Tolentino
- Alejando Aves
- Kamarozaman Rajahmuda
- Vicente Toring
- Francis “Kiko” Pangilinan
- Franklin Drilon
- Roman Romulo
- Roel Buban
- Laurence del Puerto
- Severino Portugal, Jr.
- Ralph Recto
- Sherwin Gatchalian
- Vicente “Tito” Sotto III
Umabot na sa animnapu’t lima ang bilang ng mga naghain ng kandidatura para sa party-list.
Bukas, ika-15 ng Oktubre, inaasahan na maghahain na rin ng COC ang ilan pang malalaking personalidad katulad na lamang nina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at runningmate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na sinabing magsisimba muna bago sabay na magtungo sa COMELEC gayundin sina Sen. Grace Poe at runningmate na si Sen. Chiz Escudero .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.