AFP sa mga Muslim ngayong Ramadan: ‘Be vigilant!’

Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Muslim na mas maging mapagbantay ngayong gugunitain na simula ngayong araw ang holy month of Ramadan.

Sa isang pahayag sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo na hindi isinasantabi ng militar ang posibilidad na may ilang mga indibidwal o grupo sa nasabing mahalagang panahon para sa mga Muslim.

Nanawagan si Arevalo sa kooperasyon ng publiko upang maiwasan ang anumang banta para magunita ang Ramadan nang mapayapa.

Tiniyak ng opisyal na magsasagawa ito ng mga kinakailangang operasyon upang maprotektahan ang publiko at mga komunidad sa paggunita ng nasabing okasyon.

Ipinaabot din ng AFP ang pakikiisa sa mga Muslim at hiniling na ang okasyon ay magpaalala sa kahalagahan ng pag-ibig, kapayapaan at pagiging buo ng komunidad.

Read more...