WATCH: Pangulong Duterte magdedeklara ng giyera laban sa China sa isang kondisyon
Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari siyang magdeklara ng giyera laban sa China kaugnay ng agawan sa mga teritoryo sa West Philippine Sea sa isang kondisyon.
Ito ay kung ipupwesto sa harap ang kanyang mga nag-iingay na kritiko tungkol sa umano’y kawalan nito ng aksyon sa patuloy na militarisasyon na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng media sa Malacañang, iginiit ng pangulo na hindi niya isasakripisyo ang kanyang mga sundalo at pulis sa giyera na hindi niya kayang ipanalo.
Muling sinabi ni Duterte na hindi opsyon ang giyera ukol sa agawan ng teritoryo dahil sigurado namang matatalo ang bansa sa China.
Inamin naman ng pangulo na alam niya ang paglalagay ng missile system ng China at ilan pang pasilidad sa pinag-aagawang mga teritoryo.
Sinisi ng presidente ang Estados Unidos at si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kawalan ng aksyon ng mga ito sa militarisyasyon sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.