Nagbitiw na sa pwesto ang limang opisyal ng Department of Tourism (DOT).
Mismong si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang nagkumpirma na naghain na ng courtesy resignation ang nasa limang undersecretaries at assistant secretaries.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Puyat ang mga nagbitiw na Usec. at Asec.
Bago i-anunsyo ni Puyat ang pagsusumite ng courtesy resignation ng mga DOT officials ay nagkaroon muna ito ng pulong kasama ang kontrobersyal na si Tourism Promotions Board (TPB) COO Cesar Montano.
Subalit ang naturang meeting ay hindi binuksan sa mga mamamahayag.
Pero ayon kay Puyat, ayaw niyang i-prejudge si Montano at nais niyang marinig ang panig nito ukol sa kinasasakutang isyu, gaya ng P80 million project na “Buhay Carinderia” na hindi pa man naipapatupad ay nabayaran na raw ng buo ang TPB COO.