NHA naghugas-kamay sa substandard housing para sa Zamboanga siege victims
Hugas-kamay ang National Housing Authority (NHA) sa substandard na pabahay para sa mga biktima ng Zamboanga siege.
Sa pagdinig ng House Committe on Housing and Urban Development sinabi ni
Atty. John Mahamud ng NHA na hindi pa naitu-turn over sa kanila ng kontratista hanggang sa ngayon ang proyekto.
Sinabi naman ni dating NHA General Manager Chito Cruz na aprubado ng NHA at DPWH ang paggamit ng mga kahoy sa mga pabahay para sa mga Badjao sa Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.
Paliwanag ni Cruz, pinayagan ang kahoy na pabahay dahil kapareho ito ng sa lalawigan ng Sulu kung saan wala namang negatibong ulat.
Bukod dito, napagpasyahan din na kahoy ang gamitin dahil sa ito lamang ang kaya sa budget.
Kaugnay naman sa bumagsak na kahoy na tulay, ayon kay Cruz overloading ang dahilan nito dahil hanggang walong tao lamang ang kaya nito.
Sinabi naman ng NHA Zamboanga sa komite na structural components ng wooden bridges tulad ng cross bracings ang rason ng pagbagsak dahil inaalis ng mva taga roon upang maiparada ang kanilang mga bangka.
Ang iba naman anilang cross bracings ay inaalis ng mga magulang upang madiscourage ang kanilang mga anak na tumalon sa dagat tuwing high tide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.