Isang SC Associate Justice gustong maging Ombudsman

By Isa Avendaño-Umali May 17, 2018 - 01:30 AM

Interesado na rin para sa mababakanteng pwesto bilang pinuno ng Office of the Ombudsman si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires.

Matatandaang siya ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kataastaasang Hukuman.

Si Martires ay nag-apply sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyong babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magreretiro sa darating na Hulyo.

Sakaling maitalaga sa anti-graft body, mapapaaga ng pag-alis sa Korte Suprema si Martires na magreretiro sa Kataastaasang Hukuman sa January 2, 2018.

Bago mahirang sa Korte Suprema noong March 2017, nagsilbi si Martires bilang hukom sa isang korte sa Agoo, La Union at saka naitalaga sa Sandiganbayan noong October 15, 2005.

Nagtapos siya ng abugasya mula sa San Beda College.

Ang pagsusumite ng aplikasyon para sa pagka-Ombudsman ay natapos na kahapon, ika-15 ng Mayo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.