7 lalawigan sa Mindanao posibleng pagmulan ng kaguluhan sa halalan ayon sa PNP
Pitong buwan bago ang pambansang halalan, pitong probinsiya na nasa tatlong rehiyon sa Mindanao ang tinutukan ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Police CSupt. Noel Vargas, Director ng PNP Directorate for Intergrated Police Operations in Western Mindanao, may potensyal na mapabilang sa election areas of immediate concern ang pitong lalawigan.
Gayunman, tumanggi siyang pangalanan ang mga lalawigan pero sinabi niyang tatlo sa mga ito ay nasa Region 9, tatlo din sa Region 12 at isa sa naman sa ARMM.
Sinabi ni Vargas na ang pitong lalawigan na maaring mapabilang sa election hot spots ay may kasaysayan na ng mga matinding awayang politikal at mga karasahan tuwing may halalan at dahil sa presensiya ng threat groups.
Pero pagtitiyak ng nasabing opisyal na sapat ang pwersa ng pulisya at military para tiyakin ang kaayusan ng susunod na halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.