Maguindanao niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Maguindanao alas-2:20 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong anim na kilometro Kanluran ng bayan ng Buldon.

May lalim na isang kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...