Pagsakay sa jet ski nina Baste Duterte at Bong Go papogi lang ayon kay De Lima

By Jan Ecosio May 16, 2018 - 08:16 PM

Malacañang photo

Pagsasayang lang ng pondo ng taumbayan ang pagsakay sa jet ski nina Presidential son Baste Duterte at Special Assistant to the President Bong Go sa karagatan ng Casiguran, Aurora.

Ito ang sinabi ni detained Sen. Leila De Lima at aniya political stunt lang ang nangyari gamit pa ang barko ng Philippine Navy at eroplano ng Philippine Air Force.

Aniya mas inuna pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang propaganda na naglalagay sa AFP sa kahihiyan dahil sa kabilang bahagi ng Pilipinas ay patuloy ang pambu-bully ng China sa pamamagitan ng paglalagay ng missile systems at fighter jets sa loob ng teritoryo ng bansa.

Kaya’t umapela muli si De Lima sa AFP na kung hindi nila kayang sagutin ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea makakabuti na huwag na lang silang magpagamit sa mga political stunt dahil mas nalalagay sila sa mas matinding kahihiyan.

TAGS: Baste Duterte, Benham Rise, bong go, de lima, Jet Ski, Baste Duterte, Benham Rise, bong go, de lima, Jet Ski

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.