Pamahalaan ginagawa ang lahat para iligtas ang mga kidnap victims mula sa Samal

By Alvin Barcelona October 14, 2015 - 07:27 PM

Samal-kidnap-victims
Inquirer file photo

Siniguro ng Palasyo ng Malakanyang na gumagawa na sila ng paraan para mailigtas ang mga kidnap victims mula sa Samal Island.

Tiniyak ng Malacanang na kumikilos sila para sa mailigtas at mabawi ang mga bihag ng mga umanoy miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Sa harap ito ng lumabas na video ng mga bihag na Norwegian, dalawang Canadian at isang Pinay na nananawagan sa gobyerno na itigil na operasyon ng militar laban sa kanilang mga kidnappers.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, lahat ng ginagawang aksyon ng pamahalaan ay para mailigtas ang mga bihag. Ang apat na bihag ay matatandaang dinukot ng mga armadong grupo mula sa Luxury Marina Resort sa Samal Island noong September 21.

Humingi na rin ng tulong sa pamahalaan ang mga kaanak ng mga biktimang sina John Ridsel at Robert Hall na pawang mga Canadians, Norwegian na si Kjartan Sekkingstand at Pinay na si Maritess Flor.

Tiniyak naman ni Davao del Norte PNP Provincial Director SSupt. Samuel Gadingan na patuloy na namomonitor ng pinagsanib na pwersa ng military at pulisya ang lugar na pinag-dalhan sa mga biktima.

TAGS: AFP, Kidnap, Malacañang, PNP, Samal Island, AFP, Kidnap, Malacañang, PNP, Samal Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.